Home Top News and Stories Philippines News Headline 100 PCUP ‘endorsed scholars’ tampok sa pagdiriwang ng Urban Poor Solidarity Week

100 PCUP ‘endorsed scholars’ tampok sa pagdiriwang ng Urban Poor Solidarity Week

0
   

100 PCUP ‘endorsed scholars’ tampok sa pagdiriwang ng Urban Poor Solidarity Week

PCUP Chair Alvin Feliciano habang nasa isang online activity na tampok ang mga inindorsong iskolar ng ahensiya bilang bahagi ng programang PCUP Scholarship Caravan na siyang highlight ng UPSW sa pakikipagtulungan ng Komisyon sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

LUNGSOD CALOOCAN, Dis. 8 (PIA) — Umabot sa 100 na indibidwal mula sa maralitang hanay ang nabigyan ng scholarship sa kasanayan bilang bahagi ng Urban Poor Solidarity Week (UPSW) Culminating Activity ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) nitong Lunes, Disyembre 07.

Ito ang masayang ibinalita ng Tagapangulo nito na si Undersecretary Alvin S. Feliciano, sa pamamagitan ng isang zoom webinar, kaisa ang apat na mga Commissioners ng PCUP na sina Commissioner Norman B. Baloro, Comm. Randy H. Halasan, Comm. Romeo H. Jandugan, at Comm. Melvin P. Mitra kasama pa ang mga Urban Poor Leaders mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Tampok sa naturang aktibidad ang Presentation of PCUP Endorsed Scholars bilang bahagi ng programang PCUP Scholarship Caravan na siyang highlight ng UPSW sa pakikipagtulungan ng Komisyon sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) upang makapagbigay ng Scholarship Programs sa mga kababayang mahihirap na gustong makapag-aral na mula sa National Capital Region, Luzon, Visayas, Mindanao, pati na rin sa mga Resettlement Areas.

Bukod sa Scholarship Program na ito, patuloy na rin sa pag-arangkada ang PCUP Food at Health Caravan sa buong Metro Manila at lumilibot na rin sa iba pang parte ng bansa upang maghatid ng tulong sa taumbayan.

Ibinahagi rin ni Feliciano ang mga naging aksyon ng PCUP upang tugunan ang mga hinaing at problemang ipinaabot ng maralitang sektor sa Komisyon noong nakaraang Oktubre 07 sa PCUP-UPO National Conference 2020 gayundin ang mga programa at proyektong isinulong nito para sa kapakinabangan ng mamamayang Pilipino lalo na sa usapin ng mga demolisyon at ebiksyon at pagsasagawa ng mga relief operations para sa mga kababayang lubhang naapektuhan ng pandemyang COVID-19.

Ang naturang selebrasyon ay alinsunod sa Presindential Proclamation No. 367 na nagsasaad ng paggunita sa UPSW tuwing ika-02 hanggang 08 ng Disyembre na kung saan, ang tema ng selebrasyong ito ngayong taon ay “MARALITANG TAGALUNGSOD: Magkaagapay sa Pagtugon sa Hamon ng Bagong Panahon.”

Ang programa ay pinaunlakan ni DSWD Secretary Rolando Joselito D. Bautista at TESDA Director General Isidro Samson Lapeña na nagpaabot ng kanilang Solidarity Message para sa PCUP lalo’t higit sa mga maralitang sektor na silang dahilan ng pagdiriwang gayundin nina DDG Gabriel Luis R. Quisumbing, DDG for Communities and Local Government Units Service at Dir. Dina Esmas, CLGO na mga kinatawan mula sa TESDA.

Naging espesyal din ang pagdiriwang na ito ng PCUP dahil sa ipinaabot na suporta ni Pangulong Rodigo Roa Duterte sa Komisyon na kung saan, mismong si PCUP Commissioner Norman B. Baloro ang siyang nagbasa at naghatid ng Message of Support ng Pangulo para sa sektor ng maralita.

Umabot naman sa 500 participants ang nakilahok sa conference kabilang na ang mga Chief at Officers-In-Charge ng bawat Field Operations Division (FOD) ng Komisyon, gayundin ang mg Area Coordinators (ACs) at mga opisyales nito kasama ang mga lider at miyembro ng iba’t ibang UPOs na accredited ng PCUP sa bansa at ang mga PCUP Endorsed Scholars na naglahad ng kanilang mensahe ng pasasalamat at pagbati sa buong pamunuan ng PCUP para sa progrmang nakalaan para sa maralitang Pilipino.

Samantala, mapapanood ang replay ng facebook livestream ng PCUP UPSW 2020 Virtual Celebration sa Official Facebook Page ng PCUP, RTVM, at PCOO. (PIA NCR)

   

Follow us on Instagram

[instagram-feed]