Home Top News and Stories Philippines News Headline Alaminos, nagsagawa ng programang Adopt-a-Mountain

Alaminos, nagsagawa ng programang Adopt-a-Mountain

0
   

Alaminos, nagsagawa ng programang Adopt-a-Mountain

SIYUDAD NG ALAMINOS, Agosto 21 (PIA) – Ang Lungsod ng Alaminos City,  katuwang ang  Department of Environment and National Resources (DENR) ay lumagda kamakailan ng isang kasunduan na naglalayong lalong pangalagaan ang mga kabundukan. 

 

Ang  paglagda sa kasunduan ay kaalinsabay ng pagdiriwang ng Arbor Day at National Disaster Resilience Month sa bansa.

 

Ayon sa opisyal na Facebook page ng siyudad, ang nasabing programa ay makatutulong upang hindi na muling makalbo ang kabundukan at maalagaan ang mahigit 19 ektaryang lupain sa Barangay San Vicente.

 

“Itong Arbor Day na ginagawa natin every year ay napakalaking bagay para sa magandang kinabukasan ng ating mga kabataan paglaki nila”, ani Mayor Celeste.

 

Nangako naman ang DENR na magbibigay ng technical assistance para sa tamang pangangalaga at pagprotekta sa mga tanim.

Magtatayo din ng mga  look-out towers, fire breakers, water impounding system at iba pa para mapangalagaan ang mga itatanim sa lugar.

 

Ayon kay Mayor Arth Bryan Celeste, ang Adopt-a Mountain program na may temang ‘Dito sa Alaminos City, Ikaw, Ako, Tayo ang Kalikasan’ ay karagdagang makakatulong sa kanilang siyudad.

 

Samantala, isa rin sa isinusulong ng siyudad  ay ang pagtatag ng mas malawak na plantasyon ng kawayan para sa pagpapalakas ng produksiyon ng Hundred Islands E-Kawayan Factory na ayon kay Mayor Celeste ay malaki  ang magiging tulong  sa kapaligiran at sa kabuhayan ng mga residente ng lungsod. (JCR/RPM/PIA-Pangasinan)

 

(Photo courtesy of Alaminos CIO)