Home Top News and Stories Philippines News Headline Paano malalamang may sakit si baby?

Paano malalamang may sakit si baby?

0
   

Paano malalamang may sakit si baby?

Photo from First 1000 days official Facebook Page 

LUNGSOD NG QUEZON, Abril 8 (PIA) —  Ngayong panahon ng pandemya sa bansa, mahalagang malaman at maunawaan ng mga magulang kung kailan  dapat tawagan o sadyain ang doktor kapag maysakit si baby.

Ang Department of Health (DOH) katuwang ang National Nutrition Council (NNC) sa pamamagitan ng First 1000 days o “Kalusugan at Nutrisyon ng Mag-nanay Act” ay nagbigay ng apat na senyales na dapat bantayan para laging on the safe side si baby.

Kung nararanasan ni baby ang alin man sa mga senyales na ito, agad na magpakonsulta sa pinakamalapit na health center.

·      Walang gana kumain

·      Hirap o masyadong mabilis ang paghinga

·      Iritable si baby o may sign ng dehydration tulad ng madalang na pag-ihi

·      Mataas ang temperature o nilalamig

Para sa karagdagang impormasyon bisitahin ang First 1000 Days PH Facebook page https://www.facebook.com/First1000DaysPH. (JLB/PIA-IDPD)