Home Top News and Stories Philippines News Headline Pasig naglalaan ng P300-M para sa libreng bakuna

Pasig naglalaan ng P300-M para sa libreng bakuna

0
   

Pasig naglalaan ng P300-M para sa libreng bakuna

Mayor Vico Sotto bilang panauhin sa Laging Handa Public Briefing ng Presidential Communications Operations Office

LUNGSOD PASIG, Enero 5 (PIA) — Naglaan ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig ng P300 milyon para sa libreng bakuna kontra COVID-19.

“Naghahanda po tayo para sa city-wide vaccination. Nakikipag coordinate din tayo sa Department of Health pati sa ating IATF, and also with the Metro Manila Mayors, Metro Manila Council,” ayon kay Pasig City Mayor Vico Sotto sa ginanap na Laging Handa Public Briefing nitong Lunes.

“Naglaan po tayo ng pondo dito sa Pasig at the very least P300 million. Ito po’y nakalaan na, pero madali naman po, kaya nating dagdagan ito kung may available na supplies at may mabibili pa po ang lokal na pamahalaan,” ayon kay Mayor Vico.

Aniya, uunahin ang mga medical frontliners ng lungsod at ikalawa ang mga senior citizens na residente sa mga prayoridad ng lokal na pamahalaan.

Inaasahang maaaprubahan ng pamahalaan ngayong taon ang mga naturang bakuna kontra COVID-19 na manggagaling pa sa ibang bansa.    

Samantala, nanawagan rin si Sotto sa mga residente ng lungsod na patuloy na sundin ang mga health protocols gaya ng pagsusuot ng face mask at pagsunod sa social distancing kontra COVID-19. (PIA-NCR)

   

Follow us on Instagram

[instagram-feed]