Home Top News and Stories Philippines News Headline QC Mayor Joy Belmonte, nagpositibo sa COVID

QC Mayor Joy Belmonte, nagpositibo sa COVID

0
   

QC Mayor Joy Belmonte, nagpositibo sa COVID

Quezon City Mayor Joy Belmonte (Photo credit: QC PAISD)

LUNGSOD CALOOCAN, Hulyo 8 (PIA) –Nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) si Quezon City Mayor Joy Belmonte.

Sa opisyal na pahayag ng punong lungsod, sinabi nito na malaking pasalamat nya at agad itong natuklasan matapos ang kanyang pinaka huling test.

Ayon kay Belmonte, maayos angkanyang kalagayan at wala siyang nararamdamang anumang sintomas.

“Mahigpit ko pong sinusundan lahat ng quarantine protocols ng ating Department of Health at sinimulan na din po ng QC Epidemiology and Surveillance Unit (QC-ESU) angontecontact tracing procedures,” pahayag ni Belmonte.

Pansamantalang isinara ang kanyang tanggapan para ma-disinfect ito kasama ang common areas ng City Hall.

Ayon kay Belmonte, nakuha niya ito marahil sa pagdalaw sa mga health center at ospital, special concern lockdown areas at mga komunidad upang personal na alamin ang mga pangangailangan ng mga residente .

Sinabi pa ng punong lungsod na sa simula pa lang, batid na niyang posibleng mangyari ito subalit kailangan niyang gawin ang kanyang tungkulin sa kanyang mga nasasakupan.

“Pero hindi ko po ito pinagsisisihan. Inihanda ko na po ang aking sarili at buong puso ko po itong tinatanggap,” pahayag ni Belmonte.

“Nangyari po ito sa kabila ng aking ibayong pag-iingat, pagsusuot ng facemask, madalas na paghugas ng kamay, at social distancing.  Kaya sana ay magsilbi itong paalala na ang COVID-19 ay tunay na isang kakaibang sakit na dapat pag-ingatan pa nang lubusan,” dagdag pa ni Belmonte.

Tiniyak din ng punong lungsod na patuloy ang serbisyo at gawain  lokal na pamahalaan sa kabila ng kanyang pag-quarantine.

“Bagama’t limitado ang aking pagkilos, mananatili po akong nakatutok sa kalagayan at pangangailangan ng buong Quezon City,” pahayag pa ni Belmonte. (QC PAISD/PIA-NCR)                                                                    

   

Follow us on Instagram

[instagram-feed]