Home Top News and Stories Philippines News Headline Tagalog News: 2 bayan sa Romblon, nagsuspende ng pasok sa Lunes dahil sa #AuringPH

Tagalog News: 2 bayan sa Romblon, nagsuspende ng pasok sa Lunes dahil sa #AuringPH

0
   

Tagalog News: 2 bayan sa Romblon, nagsuspende ng pasok sa Lunes dahil sa #AuringPH

Bilang paghahanda sa bagyong #AuringPH, dalawang bayan na sa probinsya ng Romblon ang nag suspende ng pasok sa mga paaralan at pasok sa lahat ng opisina ng gobyerno sa darating na Lunes, Pebrero 22. (PJF/PIA)

ODIONGAN, Romblon, Peb. 21 (PIA) — Bilang paghahanda sa bagyong #AuringPH, dalawang bayan na sa probinsya ng Romblon ang nag suspende ng pasok sa mga paaralan at pasok sa lahat ng opisina ng gobyerno sa darating na Lunes, Pebrero 22.

Ang dalawang bayan ay ang mga bayan ng Santa Fe at Calatrava na pawang nasa Tablas Island.

Ang nasabing suspensyon ng pasok ay para makapaghanda ang mga residente ng bayan sa paparating na bagyo at base na rin sa rekomendasyon ng kani-kanilang mga Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC).

Batay sa track ng bagyo na inilabas ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration, posibleng lumapit ang mata ng bagyo sa probinsya kung hindi magbabago ang ruta nito.

Wala pang anunsyo ang ibang bayan sa Romblon kung magpapatupad rin sila ng suspensyon sa pasok.

Samantala, pinayuhan na ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) ang mga mangingisda sa probinsya na huwag pumalaot kung magkaroon na ng storm signal at kung makitang mataas na ang alon.

Nakaantabay na rin ang mga rescue equipments ng iba’t ibang MDRRO kung kakailanganin at mga heavy equipments naman ng provincial government na magagamit sa mga clearing operations. (PJF/PIA-Mimaropa)