Home Top News and Stories Philippines News Headline Tagalog News: 4th division commander ng BIFF, lima pang mga kasamahan sumuko sa militar

Tagalog News: 4th division commander ng BIFF, lima pang mga kasamahan sumuko sa militar

0
   

Tagalog News: 4th division commander ng BIFF, lima pang mga kasamahan sumuko sa militar

Photo: DPAO-6ID

LUNGSOD NG COTABATO, Abril 21 (PIA)– Nagbalik-loob sa pamahalaan kamakailan ang 4th Division Commander ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF)-Bungos Faction, at lima pang mga kasamahan nito.

Sumuko ang mga ito sa headquarters ng 1st Mechanized Infantry Brigade sa Barangay Kamasi, Ampatuan, Maguindanao. Kasabay ng kanilang pagsuko ay kanilang ibinalik ang dalawang 5.56mm M16 rifles, isang 7.62mm M14 rifle, isang M653 5.56mm rifle, isang caliber .30 garand rifle, isang caliber .50 barret sniper rifle, at rounds ng ammunitions ng iba’t-ibang calibers.

Ayon kay 6th Infantry Battalion Commanding Officer Ltc Charlie Banaag, ang pagsuko ng anim na mga dating rebelde ay naging posible sa pamamagitan ng pagsisikap ng 1st Mechanized Brigade, 6th Infantry Battalion, CIDG Maguindanao-BARMM, at ng lokal na pamahalaan ng Datu Piang, Maguindanao.

Samantala, pinuri naman ni 6th Infantry (Kampilan) Division at Joint Task Force Central (JTFC) Commander Major General Juvymax Uy ang joint accomplishment ng JTF Central, lokal na pulisya, at lokal na pamahalaan.

Ani Uy, ito ay patunay na nakikita ng mamamayan ng Maguindanao ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mapayapang komunidad. (LTBolongon-PIA Cotabato City/With reports from DPAO, 6ID).