Home Top News and Stories Philippines News Headline Tagalog News: 500 relief packs ipinamahagi sa dating miyembro ng Kadamay sa Pandi

Tagalog News: 500 relief packs ipinamahagi sa dating miyembro ng Kadamay sa Pandi

0
   

Tagalog News: 500 relief packs ipinamahagi sa dating miyembro ng Kadamay sa Pandi

LUNGSOD NG MALOLOS, Nobyembre 9 (PIA) — May kabuuang 500 relief packs na naglalaman ng bigas at grocery items ang ipinamahagi ng kapulisan sa mga dating kasapi ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap o KADAMAY sa barangay Cacarong, Pandi.
 
Ang pamamahagi ng relief packs ay bahagi ng Rektang Bayanihan Program ng Police Regional Office 3 at Bulacan Police.
 
Ayon kay Police Provincial Director PCol. Lawrence Cajipe, ang Rektang Bayanihan ay naglalayon maibsan ang matinding epekto sa ekonomiya at kahirapan dulot ng pandemya ng COVID-19.

May kabuuang 500 relief packs na naglalaman ng bigas at grocery items ang ipinamahagi ng kapulisan sa mga dating kasapi ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap o KADAMAY sa barangay Cacarong, Pandi. (PNP Bulacan)

Dagdag pa ni Cajipe, ang Bulacan Police Provincial Office Food Bank ay may sapat na suplay ng mga non-perishable goods mula sa mga donasyon ng ahensya ng pamahalaan at iba pang non-government orgnizations sa buong lalawigan upang mapabilis ang pagresponde sa mga food emergencies tuwing may mga community quarantine at iba pang kalamidad.
 
Patuloy anya na aabutin ng kapulisan ang mga nagpapahayag ng katapatan sa pamahalaan at maghahatid ng tunay na serbisyo upang makamit ang pangmatagalang kapayapaan. (CLJD/VFC-PIA 3)