Home Top News and Stories Philippines News Headline Tagalog News: 7,200 pamilya sa Marilao, Baliwag tumanggap ng kalinga packs

Tagalog News: 7,200 pamilya sa Marilao, Baliwag tumanggap ng kalinga packs

0
   

Tagalog News: 7,200 pamilya sa Marilao, Baliwag tumanggap ng kalinga packs

LUNGSOD NG MALOLOS, Nobyembre 22 (PIA) — May 7,200 pamilya mula sa mga bayan ng Marilao at Baliwag na lubhang naapektuhan ng Bagyong Ulysses ang nahatiran ng tulong.
 
Sa pamamagitan ng “Operation Tulong Express” ng SM Supermalls at SM Foundation, nagpaabot ito ng trak-trak na “kalinga packs” sa 4,500 pamilya sa Marilao at 2,700 pamilya naman sa bayan ng Baliwag.
 
Nagpaabot naman ng pasasalamat sina Baliwag Mayor Ferdie Estrella at Marilao Mayor Ricardo Silvestre sa maagang tulong na hatid ng nasabing establisyimento.
 
Sa Marilao, may kabuuang 16 na barangay ang nahatiran na ng tulong 5 barangay naman sa bayan ng Baliwag na kinabibilangan ng Tibag, Poblacion, Sabang, Hinukay at Tiaong ang tumanggap na ng nasabing ayuda.

May 7,200 pamilya mula sa mga bayan ng Marilao at Baliwag na lubhang naapektuhan ng Bagyong Ulysses ang nahatiran ng tulong. (SM Foundation)

Ang event center ng mall ay nagsilbi rin temporary shelter at charging station habang may bagyo. Nagtayo rin ng mga modular tents sa central terminal upang magsilbing evacuation areas.
 
Maging ang parking area ay binuksan upang maligtas sa paglubog sa baha ang mga mayroon sariling sasakyan.
 
Sa kasalukuyan, patuloy naman ang pagtanggap ng donasyon mula sa mga nagnanais tumulong sa nasalanta ng bagyong Ulysses sa lalawigan ng Cagayan. (CLJD/VFC-PIA 3)