Home Top News and Stories Philippines News Headline Tagalog News: BARMM communication officers sumailalim sa ‘speakers bureau’ training

Tagalog News: BARMM communication officers sumailalim sa ‘speakers bureau’ training

0
   

Tagalog News: BARMM communication officers sumailalim sa ‘speakers bureau’ training

LUNGSOD NG COTABATO, Peb. 19 (PIA) – Sumailalim kamakailan ang mga kawani mula sa information and communication department ng iba’t-ibang ministries at agencies ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa ‘Speakers Bureau’ training.

Ang nasabing aktibidad na dinaluhan ng 76 na mga partisipante ay nakaangkla sa temang, ‘Communication in the New Media Landscape’ at ito ay pinangunahan ng Bangsamoro Information Office (BIO-BARMM).

Ang pagsasanay ay idinisenyo upang ma-navigate ang information work sa rehiyon ng Bangsamoro at maisulong ang paghahatid ng mga kwento sa pamamagitan ng iba’t-ibang social media platform sa ilalim ng new media.

Kabilang sa mga paksa na tinalakay ng mga naging resource person ay ang covering media relations, journalism, photography, at iba pang mga mahahalagang elemento sa contemporary media.

Sa isang recorded video, ibinahagi ni Commission on Elections (COMELEC) Spokesperson Dir. James Jimenez ang kahalagahan ng media relations, social media handling, at tackling misinformation habang tinalakay naman ni Social Weather Stations (SWS) Fellow-in-Residence at Board Member Dr. Steven Rood ang mga pag-aaral patungkol sa public sentiment at understanding surveys. Sa kabilang banda, ibinahagi ni ABS-CBN News Public Service Division Head Rowena Paraan ang paksa patungkol sa mobilizing champions for effective communications.

Kabilang din sa mga speaker nasabing aktibidad sina visual journalist/educator Vicente Jaime Villafranca at British Broadcasting Corporation (BBC)-News Philippine correspondent Howard Johnson na tumalakay sa mga topikong field guide to visual journalism at quality story-telling.

Samantala, sa kanyang mensahe sa pagtatapos ng aktibidad, binigyang-diin ni BIO-BARMM Director Andrew Alonto ang mahalagang papel ng information and communication sa nation-building. Kinilala din nito ang kahalagahan ng Bangsamoro communicators sa rehiyon. (LTBolongon-PIA Cotabato City/With reports from BIO-BARMM).