Home Top News and Stories Philippines News Headline Tagalog News: Buhay Gulay Project, isinusulong sa isang barangay sa Batangas City

Tagalog News: Buhay Gulay Project, isinusulong sa isang barangay sa Batangas City

0
   

Tagalog News: Buhay Gulay Project, isinusulong sa isang barangay sa Batangas City

LUNGSOD NG BATANGAS, Hulyo 1 (PIA)–Isinusulong sa isang barangay sa lungsod na ito ang pagtatanim ng gulay na tinaguriang ‘Buhay Gulay Porject’ ngayong panahon ng pandemya.

Ang inisyatibo ng pamahalaang barangay ng Poblacion 10 at pinangungunahan ni Pangulong Kevin Gutierrez ay isang uri ng urban non-traditional gardening kung saan kahit walang malawak na lupang mapagtataniman ay maaaring magtanim ng iba’t-ibang gulayin gamit ang malalaking bote, tray ng itlog at mga sirang timba.

Sinabi ni Gutierrez na madali niyang nakumbinsi ang kanyang mga nasasakupan na magtanim lalo na nitong magkaroon ng lockdown dahil bukod sa iwas gastos ay sigurado pang masustansya ang kanilang kakainin.

“Nagsilbing inspirasyon naming ang mga lokal na opisyal tulad nina Mayor Beverley Dimacuha at Councilor Alyssa Cruz dahilan sa pagsusulong nila ng greening programs sa mga urban areas at maging sa kanilang sariling pamilya ay itinuturo at nagsisilbing bonding moments ang pagtatanim at pag-aalaga nito,” ani Gutierrez.

Kaugnay nito, nagkaloob ang Office of the City Veterinary and Agricultural Services (OCVAS) ng pagsasanay ukol sa tamang pagtatanim.

Inumpisahang isagawa ang naturnag proyekto noong Mayo kung kaya’t ngayon ang ilan dito ay nagsisimula ng pakinabangan. Ilan sa mga binhing itinanim ay ang okra, sitaw, pechay, mustasa at luya.

Samantala, hinikayat ni Gutierrez ang iba pang barangay na nasasakupan ng Poblacion na ugaliin ang urban gardening upang mapakinabangan hindi lamang bilang panggagalingan ng pagkain kundi isang magandang paraan din upang magkaroon ng pagkakaabalahan sa panahon na dumaranas ng krisis tulad ng pandemyang dulot ng COVID-19. (BHABY P. DE CASTRO-PIA Batangas at ulat mula sa PIO BATANGAS CITY)

   

Follow us on Instagram

[instagram-feed]