Home Top News and Stories Philippines News Headline Tagalog News: Bulacan inilatag ang mga aktibidad para sa Fire Prevention Month

Tagalog News: Bulacan inilatag ang mga aktibidad para sa Fire Prevention Month

0
   

Tagalog News: Bulacan inilatag ang mga aktibidad para sa Fire Prevention Month

LUNGSOD NG MALOLOS, Marso 6 (PIA) — Bilang obserbasyon para sa Buwan sa Pag-Iwas sa Sunog, naglatag ang pamahalaan panlalawigan ng ibat’ ibang aktibidad upang maging ligtas ang buong Bulacan laban sa sunog.

Unang isinagawa ang motorcade nong Lunes sa kahabaan ng MacArthur Highway mula Calumpit hanggang sa lungsod ng Meycauayan at nagtapos sa Malolos sa pangunguna ng Provincial Disaster Risk and Reduction Management Office at Bureau of Fire Protection o BFP kasabay ng pamamahagi ng leaflets at fyers ng mga payong pangkaligtasan at pag-iingat sa sunog.

Idinaos din ang fire safety inspection sa lahat ng gusali ng pamahalaan na matatagpuan sa capitol compound.

Binigyan diin ni Gobernador Daniel Fernando na ang masinsinang pagbibigay ng impormasyon ng mga dapat at hindi dapat gawin, pagiging aktibo at pakiiisa sa gawain magtataas ng kamalayan ang susi para maging ligtas sa sunog ang lalawigan. (Bulacan PPAO)

Kabilang sa ibang pang aktibidad ang Audio-Visual Presentation Making Contest on Fire Safety Practices and Readiness na lalahukan ng mga barangay at mga business establishment sa buong lalawigan at Virtual Interactive Training on Inspection, Prevention and Control for COVID-19.

Ayon kay Gobernador Daniel Fernando, nais niyang maging ligtas sa sunog ang Bulacan at kabilang sa ilang mga paraan para makamit ito ay ang masinsinang pagbibigay ng impormasyon ng mga dapat at hindi dapat gawin gayundin ang pagiging aktibo at pakikiisa sa mga gawain na nakakapagpataas ng kamalayan ng mga Bulakenyo hinggil sa pag-iwas sa sunog.

Base sa Fire Incidents Report ng BFP, nakapagtala ang lalawigan ng 37 fire incidents mula Enero hanggang Pebrero ngayong taon kung saan mas mababa ito kumpara sa 80 kaso ng nagdaang taon (CLJD/VFC-PIA 3)