Home Top News and Stories Philippines News Headline Tagalog News: Calapan LGU, inilunsad ang Day Care Workers manual

Tagalog News: Calapan LGU, inilunsad ang Day Care Workers manual

0
   

Tagalog News: Calapan LGU, inilunsad ang Day Care Workers manual

Inilunsad ni City Mayor Arnan Panaligan ang gagamiting manual ng mga day care worker, ang ‘Magandang Ugali para sa Magandang Buhay’ na ginanap sa City Plaza Pavillon kamakailan. (kuha ng Calapan LGU)

LUNGSOD NG CALAPAN, ORIENTAL Mindoro, Abr 27 (PIA) — Pinangunahan kamakailan ni Mayor Arnan C. Panaligan ang paglunsad ng manual na siyang gagamitin ng mga day care worker para ituro sa mga bata, ang ‘Magandang Ugali para sa Magandang Buhay’ na ginanap sa City Plaza Pavillon.

Sa mensahe ng punong lungsod kanyang sinabi na, “ang aklat na ito ay naglalaman ng mga pamamaraan para sa maagang pag aalaga sa mga musmos upang sila’y hubugin sa tamang disiplina, kagandahang asal, katangian at pag-uugali na siyang ituturo sa mga batang Calapeño na nasa murang edad sa mga Child Development Center sa mga barangay.”

Ang nasabing paglulunsad ay sinaksihan ng mga opisyales ng Calapan LGU na sina City Education Officer Myriam Olalia at City Social Welfare and Development Officer Juvy Bahia, mga day care worker at opisyales ng barangay, gayundin ang administrador ng City College of Calapan na si Dr. Rene Colocar at Provincial Social Welfare and Development Officer (PSWDO) Zarah C. Magboo. (DPCN/PIA-OrMin)