Home Top News and Stories Philippines News Headline Tagalog News: Coast Guard Northeastern Mindanao nakahanda na para sa bagyong ‘Bising’

Tagalog News: Coast Guard Northeastern Mindanao nakahanda na para sa bagyong ‘Bising’

0
   

Tagalog News: Coast Guard Northeastern Mindanao nakahanda na para sa bagyong ‘Bising’

LUNGSOD NG BUTUAN, Abril 18 — Naka-full alert status na ang Coast Guard District Northeastern Mindanao (CGDNEM) bilang paghahanda sa posibleng pinsala na maidudulot ng Bagyong #BisingPH.

Agarang bumuo ng Quick Response Team (QRT) ang mga tauhan ng CGDNEM, sa pangunguna ni Commodore Luisito S. Sibayan, na inaasahang naka-antabay bente-kwatro oras upang tumugon sa anumang insidente na maaaring matanggap sa mga susunod na oras.

Nakahanda na rin ang mga mobility at floating assets sa lahat ng Coast Guard Stations at Sub-stations sa buong rehiyon ng Caraga.

Patuloy din ang koordinasyon sa mga lokal na pamahalaan at iba pang sangay ng ahensya para sa anumang karagdagang impormasyon at aksyon upang mapagsikapan ang seguridad ng mga residente na posibleng lubhang maapektuhan ng paparating na bagyo.

Samantala, binibigyang babala naman ang mga mangingisda lalo na ang mga maliliit na bangka na ipagpaliban muna ang paglaot dahil sa inaasahang paglakas ng bagyo.

Para sa anumang tanong o sakuna, pinapayuhan ng CDGNEM ang publiko na tumawag lamang sa mga sumusunod na numero: 827-0958 ; +63 953 397 6127 (Globe); at +63 951 091 4219 (Smart). (Coast Guard District Northeastern Mindanao/PIA-Caraga)