Home Top News and Stories Philippines News Headline Tagalog News: Cotabato City LGU nagsagawa ng clean-up drive

Tagalog News: Cotabato City LGU nagsagawa ng clean-up drive

0
   

Tagalog News: Cotabato City LGU nagsagawa ng clean-up drive

LUNGSOD NG COTABATO, Hulyo 18 (PIA) – Pansamantalang isinara kahapon ang City Mega Market at City Arcade upang bigyang-daan ang isinagawang clean-up drive ng Pamahalaang Panlungsod ng Cotabato sa pamamagitan ng City Market Administration.

Ang nasabing clean-up drive ay tinawag na ‘Health and Sanitation Day in the Market’ at may layuning hikayatin ang mga nagtitinda at mga namamalengke na tumulong at magsama-samang maglinis sa palengke upang mapigilan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 sa lungsod.

Pinangunahan naman ng City Bureau of Fire Protection (BFP) ang pag-disinfect sa mga stall at iba pang sulok ng mga nasabing palengke.

Sinabi ni city market administrator Sam Mundas na ang nasabing aktibidad ay malaking tulong hindi lamang upang mapanatili ang kalinisan sa mga nasabing palengke kundi upang mapigilan rin ang pagkalat ng COVID-19 sa lungsod.

Aniya, ito ay bilang pagpupursige din ni city mayor Cynthia Guiani-Sayadi sa hangaring walang maitatalang namatay dahil sa naturang sakit.

Samantala, ngayong araw, magbubukas nang muli ang mga nasabing pamilihan ng lungsod. (LTBolongon-PIA Cotabato City)

 

   

Follow us on Instagram

[instagram-feed]