Home Top News and Stories Philippines News Headline Tagalog News: Culion, Palawan aprubado na ang Tourism Development Plan

Tagalog News: Culion, Palawan aprubado na ang Tourism Development Plan

0
   

Tagalog News: Culion, Palawan aprubado na ang Tourism Development Plan

Culion Local Tourism Council Meeting
Inaprubahan sa isinagawang quarterly meeting ng Municipal Tourism Council kamakailan, ang 10 year Tourism Development Plan ng Munisipyo ng Culion matapos mai-presenta ni Municipal Administrator Maxim F. Raymundo katuwang ang Municipal Tourism Office ang lahat ng plano ng pamahalaan patungkol sa pamamahala ng turismo sa nasabing bayan. (Larawan mula sa LGU-Culion)

PUERTO PRINCESA, Palawan, Abr. 7 (PIA) — Aprubado na sa Local Tourism Council ng Pamahalaang Bayan ng Culion ang kanilang sampung taong Tourism Development Plan.

Inaprubahan ito sa isinagawang quarterly meeting ng Municipal Tourism Council kamakailan, matapos mai-presenta ni Municipal Administrator Maxim F. Raymundo katuwang ang Municipal Tourism Office ang lahat ng plano ng pamahalaan patungkol sa pamamahala ng turismo sa nasabing bayan.

Ayon sa Facebook page post ng Municipal Tourism Office ng nasabing bayan, ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagkaroon ng Tourism Development Plan ang Culion.

Maliban dito ay na-aprubahan din ang pagtanggap ng konseho sa Global Code of Ethics for Tourism na siyang magiging gabay upang magkaroon ng sustainable tourism ang bayan at mapangalagaan ang mga mamamayan at kapaligiran.

Aprubado na rin ang pagkakaroon ng Historical Committee na tututok naman sa pagkakaroon ng isang kikilalaning kasaysayan ng bayan.

Sa kabila ng pandemya ay patuloy ang pagkilos ng pamahalaang lokal ng Culion upang pagserbisyuhan ang bayan lalo na sa sektor ng turismo. (OCJ/PIA-MIMAROPA, Palawan)