Home Top News and Stories Philippines News Headline Tagalog News: DepEd Tarlac Province, may community-based radio para sa katutubo

Tagalog News: DepEd Tarlac Province, may community-based radio para sa katutubo

0
   

Tagalog News: DepEd Tarlac Province, may community-based radio para sa katutubo

LUNGSOD NG TARLAC, Enero 8 (PIA) — Nagtatayo ng mga community-based radio stations ang Department of Education o DepEd Tarlac Province upang mapaigting ang kalidad ng pagkatuto ng mga katutubong mag-aaral.
 
Paliwanag ni Omar Dimarucot, Project Development Officer I ng DepEd Tarlac Province at tagapagtaguyod ng naturang inisyatiba, limang mga Last Mile Schools ang unang target na mapatayuan ng mga istasyon ng Project REACH o Radio-based Education Assisting Children at Home.
 
Ang mga paaralang ito ay matatagpuan sa mga lugar na kung saan limitado ang signal ng celfone at internet at iilan din lamang ang mayroong mobile phones, telebisyon, at radio kaya sa ngayon ang kanilang modality ay Modular Distance Learning.
 
Dagdag pa niya, kasama din sa mga hamon na kaakibat ng distance learning sa mga Indigenous Peoples o IP communities ay ang kakulangan sa abilidad ng mga magulang ng mga katutubong mag-aaral na maturuan ang kanilang mga anak.
 
Naitayo ng DepEd Tarlac Province ang isang school-based radio station na DWRY 103 FM sa Capas National High School bago pa man nagsimula ang klase nitong Oktubre 5, 2020.

Nagtatayo ng mga community-based radio stations ang Department of Education o DepEd Tarlac Province upang mapaigting ang kalidad ng pagkatuto ng mga katutubong mag-aaral. Sa kabuuang halaga na 7,856 piso lamang, ang naturang community-based radio station ay may broadcast range na isa hanggang dalawang kilometro na gagamit ng designated FM radio frequency. (DepEd Tarlac Province)

Nakita rito ang malaking tulong ng radio-based instruction bilang supplementary mode of teaching and learning sa modular learning.
 
Ang Project REACH ay isang “outsourcing Initiative” na kung saan ang DepEd Tarlac Province ay makikipagtulungan sa iba’t ibang mga non-government organization at mga pribadong indibidwal upang makalikom ng pondo para sa pagbili ng mga radio equipment para sa mga last mile at IP schools na napili.
 
Sa kabuuang halaga na 7,856 piso lamang, ang naturang community-based radio station ay may broadcast range na isa hanggang dalawang kilometro na gagamit ng designated FM radio frequency.
 
Ang mga guro ay magsasahimpapawid ng mga lesson na maaring live o recorded upang matulungan ang mga katutubong mag-aaral na mas lalo pang maintindihan ang kanilang mga aralin at matutunan ang mga most essential learning competencies.
 
Para sa mga nais maging bahagi ng Project REACH, maaari makipagugnayan sa numerong 09205551306 o mag-email sa  [email protected] (CLJD/GLSB-PIA 3)

Ang Project REACH ay isang “outsourcing Initiative” na kung saan ang DepEd Tarlac Province ay makikipagtulungan sa iba’t ibang mga non-government organization at mga pribadong indibidwal upang makalikom ng pondo para sa pagbili ng mga radio equipment para sa mga last mile at IP schools na napili. (DepEd Tarlac Province)