Home Top News and Stories Philippines News Headline Tagalog News: ‘Free Wi-Fi for All’, itinayo sa isla ng Pag-Asa sa Kalayaan, Palawan

Tagalog News: ‘Free Wi-Fi for All’, itinayo sa isla ng Pag-Asa sa Kalayaan, Palawan

0
   

Tagalog News: ‘Free Wi-Fi for All’, itinayo sa isla ng Pag-Asa sa Kalayaan, Palawan

VSAT Installation by DICT at Kalayaan Island
Ang pagtatayo ng tauhan ng Department of Information and Communications Technology (DICT) Luzon Cluster 3 ng VSAT para sa internet connectivity ng Isla ng Kalayaan sa West Philippine Sea (WPS). (Larawan mula sa Facebook Page ng DICT-LC3)

PUERTO PRINCESA, Palawan, Abr. 8 (PIA) — Gumagana na ang Free Wi-Fi for All na itinayo ng Department of Information and Communications Technology (DICT) sa isla ng Pag-asa sa Kalayaan Island Groups (KIG).

Ang libreng internet connectivity na ito sa isla ng Kalayaan ay sa pamamagitan ng VSAT installation ng DICT Luzon Cluster 3 nitong unang linggo ng Abril.

Isa rin ito sa prayoridad ng DICT – ang mabigyan ng internet connectivity ang mga tinaguriang “geographically isolated and disadvantaged areas” o GIDA sa bansa.

Bukod sa VSAT installation, nagbigay din ang DICT ng tatlong yunit ng laptop mula sa Tech4Ed Program nito para naman sa Tech4Ed Center ng Pamahalaang Bayan ng Kalayaan, na personal na itinurn-over ni DICT-LC3 Palawan Provincial Engineer, Engr. Virgo Pinangay.

Inilagay ng DICT ang mga Free Wi-Fi for All sa Pag-Asa Island Elementary School, Barangay Hall, Basketball Court at sa Tech4Ed Center.

Ayon sa DICT, magagamit na ito ng mga mamamayan sa Kalayaan Islands para sa kanilang pakikipag-komunikasyon sa kanilang mga mahal sa buhay at magagamit sa iba pang transaksiyon.

Ang Pag-asa Island ang pinakamalaking isla at ang kabisera sa munisipyo ng Kalayaan na matatagpuan sa West Philippine Sea. (OCJ/PIA-MIMAROPA, Palawan)