Home Top News and Stories Philippines News Headline Tagalog News: Health protocols vs COVID-19 ipinatutupad sa operasyon ng BOSS sa Kid City

Tagalog News: Health protocols vs COVID-19 ipinatutupad sa operasyon ng BOSS sa Kid City

0
   

Tagalog News: Health protocols vs COVID-19 ipinatutupad sa operasyon ng BOSS sa Kid City

LUNGSOD NG KIDAPAWAN, Lalawigan ng Cotabato, Enero 7 (PIA)– Striktong ipinatutupad ng pamahalaang panlungsod ang health and safety protocols laban sa coronavirus disease 2019 kasabay ng pagsisimula ng operasyon ng Business One Stop Shop (BOSS) ngayong linggo.

Obligadong magsuot ng face mask at face shield ang lahat na papasok at magpoproseso ng kanilang business permit at license. Dagdag pa dito, isinasailalim din sila sa thermal scanning at disinfection.

Maliban sa mga ito, hinahanapan din ng COVID-19 Contact Tracing System (CCTS) card at pinala-logbook ang mga nagpoproseso. Strikto ding ipinatutupad ang social distancing.

Kaugnay nito, humihingi ng pang-unawa ang pamahalaang panlungsod at hinihikayat ang lahat na sumunod sa protocols. Mayroon namang mga itinalagang empleyado na maaaring lapitan ng publiko upang humingi ng gabay sa pagpoproseso ng kanilang mga papeles.

Ang operasyon ng BOSS ay isinasagawa sa Mega Tent ng City Hall. Patuloy ang operasyon nito hanggang Biyernes sa kabila ng pagpapatupad ng pamahalaang panlungsod ng four-day work week. Magtatagal ang operasyon ng BOSS hanggang Enero 31. (With reports from CIO-Kidapawan)