Home Top News and Stories Philippines News Headline Tagalog News: Ilang alkalde sa Laguna, nagpabakuna na kontra COVID-19

Tagalog News: Ilang alkalde sa Laguna, nagpabakuna na kontra COVID-19

0
   

Tagalog News: Ilang alkalde sa Laguna, nagpabakuna na kontra COVID-19

CALAMBA CITY, Laguna, Abr 8 (PIA) — Kasunod ng pagpapahintulot ng Inter-Agency Task Force na mabakunahan ang mga mayor na nasa high-risk areas, ay may tatlong alkalde sa lalawigan ng Laguna ang nagpabakuna na bilang dadag na proteksyon laban sa COVID-19, 

Kabilang sa mga ito si San Pablo City Mayor Loreto Amante ng San Pablo City na nabakunahan ng Sinovac vaccine nitong. Lunes, Abril 5. 

Sinabayan ni Amante ang mga medical at health care workers, veterinarians at mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology.

Nagpabakuna na rin kontra COVID-19 si Calamba City Mayor Justin Chipeco na tumanggap ng unang dose ng Sinovac vaccine nitong Abril 6. Kasabay niyang binakunahan ang mga health care workers mula sa pribadong ospital sa lungsod. 

Hinikayat rin ni Mayor Chipeco ang mga Calambeño na kabilang sa priority list na tanggapin ang anumang bakuna na inilaan ng gobyerno.

Aniya mas mabuti na magkaroon ng proteksiyon laban sa sakit lalo na at matagal pa ang magiging laban kontra COVID-19.

“Sa lahat ng nakapasok sa mga pwedeng magpabakuna, magpabakuna na, pumunta lang kayo dito sa may Calamba District Hospital, we have limited supply lang kaya dito lang muna tayo but once the vaccines come in, iikot na tayo sa buong calamba”, pahayag ni Mayor Chipeco. 

Bakunado na rin ng Sinovac vaccine ang alkalde ng Pagsanjan na si Mayor Peter Casius Trinidad. Kasabay na binakunahan ng alkalde ang mga indibidwal na nasa A3 priority group o persons with comorbidity.

Ayon kay Mayor Trinidad, minabuti nitong mgpabakuna upang mabawasan ang pagdududa ng mga nasasakupan nito sa bakuna.

“Kasama sa aking tungkulin at paglilingkod sa bayan, minabuti na po ng inyong lingkod magpabakuna, upang paghikayat sa ating mga kababayan na mabuti pong maging protektado at mabakunahan,” ani Mayor Trinidad.

Sa ngayon, patuloy ang ilang lokal na pamahalaan sa Laguna sa pagbabakuna sa mga nasa A3 priority groups o mga indibidwal na may comorbidity. Kabilang sa mga ito ang bayan ng Los Baños, Pagsanjan, at Biñan City. (CO/FSC)