Home Top News and Stories Philippines News Headline Tagalog News: Konstruksyon sa bagong tulay sa Agusan del Norte sinimulan na

Tagalog News: Konstruksyon sa bagong tulay sa Agusan del Norte sinimulan na

0
   

Tagalog News: Konstruksyon sa bagong tulay sa Agusan del Norte sinimulan na

 LUNGSOD NG BUTUAN, Enero 6 (PIA) – Sinimulan na ang konstruksyon ng higit kalahating kilometrong tulay na inaasahang makakatulong sa paglago ng ekonomiya sa probinsya ng Agusan del Norte at karatig lugar nito.
 
Ang nasabing tulay ay pinaglaanan ng pamahalaan ng isa’t kalahating bilyong pisong pondo.
 
Laking pasasalamat ni Mayor Avelina Rosales ng Las Nieves kay Presidente Rodrigo Duterte sa tulong ni Congresswoman Maria Angelica Rosedell Amante-Matba dahil sa pag-apruba ng konstrukyon nito. Ayon pa ni Rosales, matagal na itong hinihintay ng mga mamamayan sa lugar, simula pa noong taong 2015.
 
Ang konstruksyon ay magsisimula sa Barangay Malicato at sinuguro ni Gobernador Dale Corvera na sa loob ng tatlo hanggang limang taong konstruksyon ng tulay, tuloy-tuloy ang budget nito.
 
Siniguro din ni Cong. Matba na sa gagawing konstruksyon sa tulay, magkakaroon ng trabaho ang mga mamamayan sa nasabing lugar.
 
Sa ginawang ground breaking ceremony, ipinaalam din ni Project Engr. Jerome Meso na magsisimula na ang konstruksyon nito.
 
Ang Las Nieves ay may 20 barangays at isang second class municipality na may 28,414 populasyon base sa 2015 census. (NCLM/PIA Agusan del Norte)

 

 
   

Follow us on Instagram

[instagram-feed]