Home Top News and Stories Philippines News Headline Tagalog News: LGU-Palawan nagpadala ng 1,600 family foodpacks sa Busuanga

Tagalog News: LGU-Palawan nagpadala ng 1,600 family foodpacks sa Busuanga

0
   

Tagalog News: LGU-Palawan nagpadala ng 1,600 family foodpacks sa Busuanga

food packs
Ang mga family food packs na ipinadala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan para sa mga pamilya sa Bayan ng Busuanga na apektado ng comunity lockdown doon sanhi ng lokal transmisyon ng COVID-19. (Larawan mula sa PSWDO-Palawan) 

PUERTO PRINCESA, Palawan, Abr. 8 (PIA) — Naipadala na ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) ng pamahalaang panlalawigan ng Palawan ang nasa 1,600 na family food packs para sa Bayan ng Busuanga.

Ito ay bilang ‘augmentation support’ sa mga pamilyang naapektuhan ng community lockdown sa nasabing bayan, partikular sa Bgy. Maglalambay sanhi ng pagkakaroon ng lokal na transmisyon ng COVID-19 doon.

Ayon kay Provincial Social Welfare and Development Officer Abigail Ablaña, ito ay base na rin sa naging direktiba ni Gob. Jose Ch. Alvarez upang agarang makapagparating ng tulong sa mga residente ng Busuanga na apektado ng community lockdown.

Ang Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) ang nangasiwa sa agarang pagdadala ng mga nasabing ayuda para sa papagitan ng sasakyang pandagat.

Sa Sitrep Bulletin No. 276 ng PDRRMO Emergency Operation Center na inilabas ngayong hapon, nasa 18 na ang aktibong kaso ng COVID-19 sa nasabing bayan.

Ipinababatid naman ng Busuanga Public Information Office na tanging mga essential transaction lamang ang pansamantalang pinapayagan makapasok sa Busuanga. (OCJ/PIA-MIMAROPA, Palawan)