Tagalog News: Makinaryang pangsaka mula DA, ipinamahagi sa mga magsasaka ng Naujan
Tagalog News: Makinaryang pangsaka mula DA, ipinamahagi sa mga magsasaka ng Naujan

NAUJAN, Oriental Mindoro, Peb. 23 (PIA) — Tinanggap ni Mayor Mark N. Marcos ang mga makinaryang pangsaka na ipinagkaloob ng Department of Agricu lture (DA) sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Program sa pamamagitan ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) Mechanization Program kamakailan.
Ilan sa mga samahan ng magsasaka sa bayang ito na tumanggap ng nasabing makinarya ay ang samahan mula sa mga barangay ng Sto. Niño at Barcenaga. Nabigyan ang mga ito ng tig-isang 4-wheel tractor na may combined harvester at ang samahan sa mga barangay ng Sampaguita, Santiago at Inarawan ay tumanggap naman ng tig-isang 4-wheel tractor.
Samantala, agad nagpahatid ng mensahe si Mayor Marcos sa nasabing kagawaran, anya “lubos akong nagpapasalamat sa tanggapan ng Department of Agriculture dahil sa kanilang suporta at malaking ambag sa larangan ng agrikultura tulad ng mga makinaryang kanilang ipinagkaloob para sa samahan ng aming mga magsasaka.” (DPCN/PIA-OrMin)