Home Top News and Stories Philippines News Headline Tagalog News: Mga tinamaan ng bagyong Ulysses, patuloy na inagapayan sa Pulilan

Tagalog News: Mga tinamaan ng bagyong Ulysses, patuloy na inagapayan sa Pulilan

0
   

Tagalog News: Mga tinamaan ng bagyong Ulysses, patuloy na inagapayan sa Pulilan

PULILAN, Bulacan, Marso 6 (PIA) — Patuloy ang paghahatid ang tulong na ibinibigay sa mga pinaka nasalanta ng bagyong Ulysses sa bayan ng Pulilan sa Bulacan.
 
Sa tala ni Social Welfare and Development Undersecretary Aimee Neri, umabot sa 413 na mga pamilya ang tumanggap ng tig-limang libong piso sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS. 
 
Sa nasabing bilang, 388 ang may partially-damaged at 25 naman ang may totally-damaged houses.

Umabot sa 413 na mga pamilya ang tumanggap ng tig-limang libong piso sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation ng Department of Social Welfare and Development. (Pulilan LGU)

Kalakip ng ayudang AICS, pinagkalooban din ang nasabing mga pamilya ng mga bitamina, family food packs, face masks at face shields at libreng pananghalian.
 
Namahagi din ng mga computer tablets para sa mga benepisyaryong may pinag-aaral gamit ang blended type of learning at bisikleta sa mga benepisyaryo namang nagtatrabaho malapit sa kanilang tinitirahan ang tanggapan ni Senador Christopher Lawrence Go. (CLJD/VFC-PIA 3)