Home Top News and Stories Philippines News Headline Tagalog News: Oras ng curfew sa Puerto Princesa, muling binago

Tagalog News: Oras ng curfew sa Puerto Princesa, muling binago

0
   

Tagalog News: Oras ng curfew sa Puerto Princesa, muling binago

Magiging 10:00 p.m. na ang simula ng curfew sa lungsod ng Puerto Princesa (mula sa dating oras na 8:00 p.m.), bagamat mananatili sa 5:00 a.m. pa rin ito matatapos. Sa nasabing oras, hindi na pahihintulutan ang sino man na lumabas ng kani-kanilang mga tahanan simula Hulyo 15. ( Larawan mula kay Seved Borda/PDN)

PUERTO PRINCESA, Palawan, Hul. 15 (PIA) —  Magiging 10:00 p.m. na ang simula ng curfew sa lungsod ng Puerto Princesa (mula sa dating oras na 8:00 p.m.), bagamat mananatili sa 5:00 a.m. pa rin ito matatapos.

Batay sa ipinababang kautusan mula sa tanggapan ng punong ehekutibo, walang sino mang papayagang lumabas ng kani-kanilang bahay sa loob ng mga nabanggit na oras simula Hulyo 15.

Apektado rin ng panibagong oras ang mga bukas na establisyementong pang negosyo at opisina sa siyudad, kung saan kinakailangang magbago ang mga ito ng oras para sa kanilang operasyon upang mabigyan ng sapat na panahon ang mga empleyado nito na makauwi ng maaga.

Pinaalalahanan naman ng pamahalaang lungsod ang mga nais kumuha ng curfew pass na kinakailangan ng mga ito ng balidong dahilan upang ma-isyuhan ng dokumento.

Tiniyak naman ng mga tagapagpatupad ng nasabing regulasyon na hihigpitan nila ang implementasyon ng curfew hours.

Naatasan sa pagpapatupad nito ang pulisya sa lungsod, City Anti-Crimetask Force, at maging ang mga barangay tanod. (LBD/PIAMIMAROPA)

 

   

Follow us on Instagram

[instagram-feed]