Home Top News and Stories Philippines News Headline Tagalog News: P106M halaga ng tulay sa Maguindanao, pinasinayaan

Tagalog News: P106M halaga ng tulay sa Maguindanao, pinasinayaan

0
   

Tagalog News: P106M halaga ng tulay sa Maguindanao, pinasinayaan

LUNGSOD NG COTABATO, Abril 7 (PIA)– Mas mapadadali na ang pagbiyahe ng mga residente at turista sa bayan ng Datu Blah Sinsuat (DBS) sa probinsya ng Maguindanao matapos pasinayaan kamakailan ang bagong gawang Matuber Bridge sa nasabing bayan.

Ang naturang tulay na nagkakahalaga ng P106 milyon ay inaasahang magpapalakas sa ekonomiya ng Datu Blah Sinsuat gayong mayaman ang bayan sa aquatic resources.

Nabatid na mismong si Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Chief Minister Ahod ‘Al Haj Murad’ Ebrahim, kasama ang iba pang mga opsiyal ang nanguna sa pagpapasinaya sa nasabing tulay.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Ebrahim ang kahalagahan ng pagtutulungan at pagkakaisa upang makamit ang mga hangarin para sa mamamayan.

Samantala, sa parehong araw ay pinangunahan din ni Ebrahim ang pagpapasinaya sa bagong legislative building ng bayan, at ang ground breaking ceremony para sa konstruksyon ng dalawang palapag na Municipal Hall ng DBS.

Nabatid na ang DBS ay binuo sa ilalim ng Regional Legislative Assembly ng noon Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM). (LTBolongon-PIA Cotabato City/With reports from BIO-BARMM).