Home Top News and Stories Philippines News Headline Tagalog News: Pasay COVID-19 hotline para mapigilan ang pagkalat ng virus

Tagalog News: Pasay COVID-19 hotline para mapigilan ang pagkalat ng virus

0
   

Tagalog News: Pasay COVID-19 hotline para mapigilan ang pagkalat ng virus

LUNGSOD CALOOCAN, Abril 30 (PIA) — Ibinahagi ng Pamahalaang Lungsod ng Pasay ang ilang hotline numbers para sa pag-report ng COVID-19 cases upang agarang maaksyunan at mapigilan ang ibayong pagkalat ng virus.

Sa Facebook post ng Pasay PIO, sinabi nito na para sa pag-report ng COVID-19 cases, maaaring tumawag sa hotline numbers:

Globe/TM: (0956)7786524
Smart/TNT: (0908)9937024

“Higit na kailangan ang kooperasyon at pakikiisa ng lahat upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa ating mga komunidad!” paalala nito.

“Ang ating lokal na pamahalaan ay patuloy na gumagawa ng mga hakbangin upang mapigilan ang pagdami nito sa pamamagitan ng mas aktibong contact tracing, pagsasagawa ng mas maraming RT-PCR testing, isolation and treatment, at pagdedeklara ng mas maigting na Community Quarantine sa mga apektadong Barangay,” dagdag pa nito.

Ibinahagi rin ng Pasay PIO na ngayong araw, umabot na sa 13,055 (95.26%) na Pasayeño ang gumaling sa COVID-19; 47 rito ay new recoveries.

Samantala, 290 (2.13%) ang active cases, 41 rito ang naitalang new cases.

Ang kabuuang bilang ng total confirmed cases ay 13,705.

Paalala pa nito, sumunod sa standard health protocols at ugaliing gawin ang E.M.I. Habit:

  • E- Ensure to always wash your hands;
  • M- Mask & face shield are a must; at 
  • I- Implement physical distancing.

Manatili lamang sa loob ng bahay kung walang importanteng kailangan gawin, dagdag pa nito. (PIA NCR)