Home Top News and Stories Philippines News Headline Tagalog News: Pasig QR Code, konektado na sa contact tracing ng Antipolo, Valenzuela

Tagalog News: Pasig QR Code, konektado na sa contact tracing ng Antipolo, Valenzuela

0
   

Tagalog News: Pasig QR Code, konektado na sa contact tracing ng Antipolo, Valenzuela

 

LUNGSOD PASIG, Enero 24 (PIA) – Magandang balita para sa mga Pasigueño! Simula sa darating na Lunes, January 25, 2021, ay magagamit na ang PasigPass QR code sa Antipolo City sa lalawigan ng Rizal.

Ito ay matapos pumasok sa isang Interconnectivity Agreement sina Pasig City Mayor Vico Sotto, Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian, at Antipolo City Mayor Andrea Ynares.

Ayon sa pamahalaang lungsod, sa ilalim ng kasunduan ay magiging seamless na ang contact tracing sa mga lungsod ng Pasig, Valenzuela, at Antipolo.

Idinagdag pa ng pamahalaang lungsod na kahit isa lamang sa PasigPass, ValTrace, o Antipolo Bantay COVID-19 ang QR code ay maaari itong magamit kung magpupunta man o sa alinman sa tatlong lungsod.

Noong Disyembre ay nauna nang lumagda ang pamahalaang lungsod ng Valenzuela at Pasig para sa mas madali, mabilis at ligtas na contact tracing upang mapigilan ang pagkalat ng sakit na COVID-19. (Pasig City/PIA-NCR)