Home Top News and Stories Philippines News Headline Tagalog News: Philippine Army namahagi ng keypad cellphones sa isang paaralan sa Cotabato City 

Tagalog News: Philippine Army namahagi ng keypad cellphones sa isang paaralan sa Cotabato City 

0
   

Tagalog News: Philippine Army namahagi ng keypad cellphones sa isang paaralan sa Cotabato City 

LUNGSOD NG COTABATO, Hulyo 22  (PIA) – Namahagi kamakailan ng keypad cellphones sa isang paaralan dito sa lungsod ang Philippine Army sa pamamagitan ng 40th Infantry ‘Magiting’ Battalion.

Abot sa 50 keypad cellphones ang natanggap ng pamunuan ng Cotabato City National High School (CCNHS)-Annex Don E. Sero Site bilang bahagi ng pagsisikap ng kasundaluhan na makatulong sa mga pampublikong paaralan na maka-adapt sa ‘new normal’ na pagtuturo.

Ito ay kaugnay din sa aktibidad ng nasabing paaralan na tinawag na “Project CP para sa Radyo is Cool, may pang-TXT blast pa!”

Nabatid na ang mga mag-aaral na makikinabang sa naturang mga cellphone ay ang mga nauna nang kinilala ng mga guro na mga mag-aaral na walang kakayahang magkaroon nito.

Nagpaabot naman ng pasasalamat si CCNHS-Annex head teacher Janette Gaudiano sa donasyon ng 40th IB na malaking tulong aniya sa pag-aaral ng mga estudyante ngayong panahon ng pandemya.

Samantala, umaasa naman si 40th IB Commander LT. Col. Rogelio Gabi na ang mga nasabing donasyon ay makatutulong upang magsumikap pa ang mga estudyante sa kanilang pag-aaral sa gitna ng nararanasang krisis dahil sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19). (With reports from 40th Infantry “Magiting” Battalion)

 

 

 

 

 

   

Follow us on Instagram

[instagram-feed]