Home Top News and Stories Philippines News Headline Tagalog News: Rebeldeng NPAs, supporters nagbalik-loob sa gobyerno

Tagalog News: Rebeldeng NPAs, supporters nagbalik-loob sa gobyerno

0
   

Tagalog News: Rebeldeng NPAs, supporters nagbalik-loob sa gobyerno

LUNGSOD NG BUTUAN, Pebrero 19 (PIA) — Handang tumulong sa pamahalaan ang mga rebeldeng nagbalik loob sa gobyerno kasama ang halos 500 myembro ng underground mass organization  o UGMO  na sumusuporta sa mga terorsitang NPA sa bayan ng Las Nieves sa Agusan del Norte.
 
Sa kanilang pababalik loob sa gobyerno siginuro ni Tommy, presendente ng UGMO ang kanilang suporta. Malaki din ang kanilang pasalamat sa 23rd Infantry Battalion at nakabalik-loob na sila sa gobyerno.
 
Ayon din kay Agusan del Norte provincial administrator Gerry Joey Laurito, handa at patuloy ang tulong ng pamahalaan sa barangay Casiklan at sa mga malalayong lugar ng probinsya.
 
Maliban sa tulong ng probinsya, handa din ang TESDA na mabigyan ng livelihood at skills training ang mga nagbalik-loob upang makapagbagong buhay at magkaroon ng hanapbuhay.
 
Boluntaryo ding isinurender ng mga nagbalik loob ang dala nilang armas sa 23rd IB. (NCLM, PIA Agusan del Norte)