‘Maskara at mascot’ at ‘padyak ni Lolo Romeo,’ tatalakayin ngayong Linggo sa Reporter’s Notebook
‘Maskara at mascot’ at ‘padyak ni Lolo Romeo,’ tatalakayin ngayong Linggo sa Reporter’s Notebook
Dahil sa hirap ng buhay, kanya-kanyang diskarte ang ating mga kababayan para kumita. Ang ilan, kakaiba ang pakulo tulad ng paggawa ng nakakasisindak na face masks at pagiging human teddy bear na naghahatid ng sorpresa. Mayroon ding patuloy ang paglalako ng panindang itlog sa kabila ng mahinang pangangatawan. Sundan ang kanilang kuwento sa Reporter’s Notebook ngayong Linggo, 9:15 PM sa GTV.