Home Top News and Stories Philippines News Headline MRT-3 suspendido muna ang operasyon mula Hulyo 7-11

MRT-3 suspendido muna ang operasyon mula Hulyo 7-11

0
   

MRT-3 suspendido muna ang operasyon mula Hulyo 7-11

           DOTr Undersecretary for Railways Timothy John Batan

LUNGSOD CALOOCAN, Hulyo 7 (PIA) —  Kasunod ng dumaraming bilang ng mga personnel na nagpositibo sa COVID-19, pansamantalang suspendido  ang operasyon ng MRT-3 simula Martes, Hulyo 7, 2020 .

Sa virtual presser na ginanap Lunes ng hapon, sinabi ni Undersecretary for Railways Timothy John Batan ng Department of Transportation (DOTr) na ang temporary shutdown ay ipatutupad upang magbigay-daan sa RT-PCR (swab) testing ng lahat ng empleyado ng MRT-3, kasama na ang mga empleyado ng maintenance provider at subcontractors nito, upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19,  gayundin, upang maprotektahan ang kalusugan at kaligtasan ng mga personnel at commuter.

Tatagal ang shutdown nang limang (5) araw, o hanggang  Hulyo 11, o hanggang ang resulta ng RT-PCR testing ay magtala ng sapat na bilang ng COVID-19 negative na personnel upang makapagpatuloy ang operasyon kahit sa limitadong kapasidad lamang.

”Maaaring mapaikli o ma-extend, depende sa bilis at resulta ng RT-PCR testing,” pahayag ni Batan.

Ayon naman kay G. Michael Capati, Director for Operations ng MRT3, isasagawa ang ng RT-PCR testing ng mga MRT-3 personnel  ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Palacio de Manila swabbing center, sa tulong ng Red Cross.

”Ang mga empleyado na magpositibo ay ididirekta sa kinauukulang quarantine facility, samantalang ang mga kompirmadong negatibo naman ay mabibilang sa pool na mag-ooperate ng sistema sa muling pagbubukas nito,” pahayag ni Capati.

               MRT3 Director for  Operations Michael Capati

”Sa mahigit na 3,200 workforce ng MRT-3, kakailanganin ng hindi bababa sa 1,300 personnel upang magpatupad ng limitadong operasyon. Sa kasalukuyan, 964 additional negative personnel ang kailangan upang makapagbalik-operasyon,” dagdag ni Capati.

Sinabi din ni Capati na abang may temporary shutdown, magsasagawa ng masusing disinfection sa lahat ng MRT-3 facilities, kabilang na sa depot, mga stations at sa mga tren.

Upang tulungang maihatid ang mga commuter, sinabi naman ni Batan na magpapatuloy ang MRT-3 Bus Augmentation Program na may 90 na bus at may fixed dispatching interval na kada 3 minuto.

”Dagdag dito, 150 na bus ang ide-deploy para sa EDSA Busway service na magsisilbi sa mga pasahero mula Monumento hanggang Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITx). Isang mini-loop naman ang magsisilbi sa mga pasahero mula Timog Avenue hanggang Ortigas, kung saan pinayagan ang shuttle/mini bus service na mag-pickup at mag-drop off ng pasahero sa curbside,”pahayag ni Batan

“Habang may pandemya, ang mandato na suportahan ang muling pagbubukas ng ekonomiya ay nararapat na ibalanse sa kalusugan at kaligtasan ng publiko at ng ating mga public transport personnel,” pahayag ni Batan sa kanyang pagtatapos. (PIA-NCR)

   

Follow us on Instagram

[instagram-feed]