Home Top News and Stories Philippines News Headline ‘Quezon Balikbayan Caravan’ inilunsad bilang suporta sa mga OFWs

‘Quezon Balikbayan Caravan’ inilunsad bilang suporta sa mga OFWs

0
   

‘Quezon Balikbayan Caravan’ inilunsad bilang suporta sa mga OFWs

SARIAYA, Quezon, Hulyo 4 (PIA)–Inilunsad ng Provincial Commitee on Migration and Development (PCMD)-Quezon ang ‘Quezon Balikbayan Caravan’ Hunyo 30 alinsabay ng pagpapahayag ng suporta sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa lalawigan.

Ayon sa Quezon Public Information Office, ang caravan ay isang programa ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon na naglalayong matulungan ang mga repatriated OFWs na nawalan ng trabaho dahil sa banta ng COVID-19 pandemic. 

Kabilang sa mga miyembro ng PCMD na nagpahayag ng pagtulong sa mga OFW ay ang Department of Information and Communication Technology (DICT).

Ayon sa DICT, magsasagawa sila ng mga short courses/ program para sa mga OFWs at pagkakaroon ng free-wifi sa ilang piling mga pampublikong lugar na siyang makapagbibigay ng opurtunidad sa pagkakaroon ng hanapbuhay. 

Samantala, sinabi naman ng kinatawan ng Overseas Workers  Welfare Administration (OWWA) at Department of Labor and Employment (DOLE) na magkatuwang sila sa pagtulong sa mga repatriated OFWs na nagbalik bayan sa pamamagitan ng “Hatid-Sundo Program” at ang online application ng DOLE-Akap para sa financial assistance sa mga OFWs. 

Ipinaabot din ng iba’t-ibang kooperatiba sa lalawigan ang kanilang mga serbisyong iniaalok sa mga OFWs kagaya ng St. Jude Multi-Purpose Cooperative at Seafarers Cooperative gayundin ang programa ng Lanbank na “OFW Reintegration Program”.

Ang kagawaran ng Pagsasaka ay nagpahayag din ng suporta kung saan ay tutulong sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga pananim at iba pang tulong samantalang ang Provincial Gender and Development Office ay nagbahagi ng kaalaman ukol sa financial literacy at gender sensitivity sa mga OFWs. 

Ang caravan ay nakatakdang idaos din sa iba pang mga bayan sa lalawigan ng Quezon. (Ruel Orinday-PIA-Quezon)

   

Follow us on Instagram

[instagram-feed]