Home Top News and Stories Philippines News Headline Tagalog News: BARMM magbibigay ng tulong sa laid off provisional teachers

Tagalog News: BARMM magbibigay ng tulong sa laid off provisional teachers

0
   

Tagalog News: BARMM magbibigay ng tulong sa laid off provisional teachers

LUNGSOD NG COTABATO, Hunyo 11 (PIA) – Inanunsyo kamakalawa ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (MBHTE-BARMM) na magbibigay ito humanitarian assistance sa provisional na mga guro at temporaryong mga empleyado na naapektuhan ng cease and desist order na inilabas ng ministry.

Ito ay kaugnay sa Memorandum Order No. 154 na inilabas ng MBHTE-BARMM noong Marso 11 kung saan nakasaad na ang Provisional Appointment sa ilalim ng 2017 Omnibus Rules on Appointments (ORA) and Other Human Resource Actions (OHRA) (Revised July 2018), ay hindi na epektibo kapag lagpas na sa school year kung kailan ito inisyu.

Sinabi ni MBHTE Minister Mohagher Iqbal na ang pamahalaan ng BARMM ay maglalaan ng kabuuang P190,980,000 halaga para sa laid off na mga guro at mga papasok na aplikante bilang contract of service.

Ayon kay Iqbal ang mga nasabing guro ay marere-employed na may suweldong P15,000 kada buwan at karagdagang P5,000 annual funds para sa administrative assessment activity.

Bahagi sa ilalaang pondo ay ang P10 milyong halaga para sa free Licensure Examination for Teachers (LET) review ng provisional na mga guro, request sa Professional Regulation Commission (PRC) na magsagawa ng special examination para sa mga guro, at sa naaprubahan ng Office of the Chief Minister (OCM) na i-hire ang mga nasabing guro bilang contract of service sa loob ng isang taon.

Sinabi ni Iqbal na magsisimula ang employment ng mga contract of service sa Agosto 24, sa pagsisimula ng bagong school year.

Kamakailan ay nagsagawa ang grupo ng provisional na mga guro at empleyado ng peace rally kung saan umapela sila kay Minister Iqbal na i-recall ang Memorandum Order no. 154 cease and desist order.

Sa kabilang banda, inihayag ni Iqbal na ang MBHTE-BARMM ay magbibigay ng humanitarian consideration sa mga naapektuhang guro at empleyado dahil wala aniyang legal course na sila ay mabigyan ng status of permanent appointment.

Ang mga nasabing guro at empleyado ay nasa ilalim ng temporary status na nag-expire ang termino epektibo noong Mayo 31, 2020.

Samantala, naibigay na ng MBHTE-BARMM sa mga nasabing guro ang kanilang suweldo noong Mayo 31, emergency relief assistance allowance na P10,000, at mid-year bonus na higit sa P20,000. (LTBolongon-PIA Cotabato City/with reports from BPI-BARMM).

 

 

   

Follow us on Instagram

[instagram-feed]