Home Top News and Stories Philippines News Headline Tagalog News: Lalawigan ng Cavite mananatili sa ilalim ng GCQ

Tagalog News: Lalawigan ng Cavite mananatili sa ilalim ng GCQ

0
   

Tagalog News: Lalawigan ng Cavite mananatili sa ilalim ng GCQ

TRECE MARTIRES CITY, Cavite, Hulyo 1 (PIA) — Inirekomenda ni Governor Jonvic Remulla sa Inter-Agency Task Force on Emerging and Infectious Diseases (IATF-EID) ang pananatili ng lalawigan sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ).

Ito ay sa kadahilanan nang patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa Cavite na ngayon ay lagpas sa 600 na.

Sinabi ni Dr. Connie Ang, isa sa mga miyembro ng medical team ng De La Salle Medical-Health Science Institute (DLSM-HSI) na ang strain na lumalabas ngayon sa mga testing machines ay yung “high viral load” na kung makukuhan ng mahina ang naturalesa ay napakataas ng tsansa ng mortalidad.

Ngunit nagbigay ng katiyakan ang gobernador na hindi ibabalik sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang lalawigan sapagkat may kakayanan ang mga pasilidad at ospital dito para sa COVID-19.

Muling nagpaalala si Gov. Jonvic para sa mas higit na pag-iingat lalo pa at malakas ang katawan dahil pwedeng asymptomatic o walang sintomas ng sakit. Ito ay lalong mas malakas na makahawa o ‘super spreader’ kung kaya’t mas delikado para sa mga kasambahay na senior citizens.

“Wala pa ring bakuna para sa COVID-19 at ang tanging panangga lamang ay ang ating pagsunod sa mga patakaran,” ani Gov. Jonvic.

Dagdag pa nang gobernador, “By now you know what to do and avoid. The guidelines are clear. We are all competent enough to understand. Disiplina at dobleng ingat na lang ang kailangan natin.”

(Sa ngayon ay alam na natin ang dapat nating gawin at ang dapat iwasan. Tayong lahat ay may kakayanan na umunawa.)

Samantala, ibinahagi nang gobernador na patuloy pa rin ang targeted testing para sa frontliners at wala pa ring pagpapasya ang IATF para sa ‘Tandem Pass’ o angkas.

Ang mga hotels, motels, bars, at ano mang lugar na gimikan ay mananatiling sarado sapagkat dito sa mga lugar na ito kumalat ang virus sa ibang bansa. (Ruel Francisco, PIA-Cavite at ulat mula sa official FB page of Gov. Jonvic Remulla)

   

Follow us on Instagram

[instagram-feed]