Home Top News and Stories Philippines News Headline Tagalog News: Mahigpit na ASF quarantine protocols sa Cot Prov siniguro

Tagalog News: Mahigpit na ASF quarantine protocols sa Cot Prov siniguro

0
   

Tagalog News: Mahigpit na ASF quarantine protocols sa Cot Prov siniguro

LUNGSOD NG KIDAPAWAN, Lalawigan ng Cotabato, Hulyo 18 (PIA)— Siniguro ng pamahalaang panlalawigan, sa pamamagitan ng Office of the Provincial Veterinarian, na mahigpit na ipinatutupad ang quarantine protocols laban sa African Swine Fever.

Sa pagpupulong kamakailan kaugnay sa ASF outbreak sa probinsya, binigyang-diin ni OPVet head Dr. Rufino Sorupia na pinalakas pang lalo ang pagbabantay sa mga boarder point ng lalawigan upang masigurong hindi makapapasok ang mga karneng baboy at pork products mula sa mga lugar na apektado ng naturang sakit.

Inilahad din ni Sorupia ang mga nauna nang hakbang upang maiwasan ang pagkalat ng ASF na naitala sa bayan ng Magpet. Aniya, nakapagsagawa na ng mga decontamination at depopulation activity ang OPVet at nagpapatuloy din ang isinasagawang surveillance and monitoring.

Sa ngayon, ilan sa mga tinututukan ng OPVet ang pagpapalakas ng Information and Education Campaign laban sa ASF maging ang pagsasagawa ng inventory ng livestock sa bawat bayan. Dagdag pa dito, tinitingnan din ang pagbubuo ng ASF municipal ordinance at contingency plan ng bawat munisipyo.

Siniguro naman ng pamunuan ng Department of Agriculture- Bureau of Animal Industry (DA-BAI) sa rehiyon na mabibigyan ng ayuda ang mga may-ari ng mga alagang baboy na naapektuhan ng naturang sakit. (With reports from Provincial Government of Cotabato)

   

Follow us on Instagram

[instagram-feed]