Home Top News and Stories Philippines News Headline Tagalog News: Philippine Red Cross namigay ng tulong para sa mga Rizaleño

Tagalog News: Philippine Red Cross namigay ng tulong para sa mga Rizaleño

0
   

Tagalog News: Philippine Red Cross namigay ng tulong para sa mga Rizaleño

LUNGSOD NG ANTIPOLO, Rizal, Hulyo 11 (PIA)—Namahagi ang Philippine Red Cross ng ayuda para sa ilang mga pamilya sa Lalawigan ng Rizal na apektado ng mga quarantine na dala ng COVID-19.

Halos 200 tao ang binigyan ng tig-P 3,500 sa Barangay Cupang sa Lungsod ng Antipolo noong hapon ng Hulyo 10 bilang pangunang pamamahagi ng ayuda sa mga natukoy na isang siyudad at apat na bayan ng Lalawigan ng Rizal.

Pinamunuan  ni PRC Chairman, Senator Richard “Dick” Gordon, ang pagbibigay ng tulong.

“Ngayong araw na ito magdidistribute kami ng kaunting tulong. Hindi poi to abot. Hindi po kami marunong mag-abot sa Red Cross. Ang ugali po naming ay itinataas naming ang mga nahihirapan,” aniya.

“Hindi po kami charitable organization, kami po ay humanitarian organization,” dagdag ng senador nag nagsasabing binibigyang-halaga ng samahan ang dignidad ng mga taong tinutulungan nito.

Nakatakda ring mamahagi si Senator Gordon sa halos 130 katao sa Bayan ng Cainta sa parehong araw matapos ang panimulang pamimigay sa Antipolo habang nakatakda naming mamigay ng ayuda sa ibang mga bayan ng Rizal tulad ng Taytay at Binangonan ang Philippine Red Cross.

Kabilang sa mga programa sa Antipolo sina PRC Secretary General Elizabeth Zavalla, International Federation of Red Cross and Red Crescent Societies Country Office Acting Head Patrick Eliott, Rizal Acting Governor Reynaldo “Junrey” San Juan Jr., dating Antipolo City Mayor Jun Ynares, Taytay Vice Mayor Mitch Bermundo at iba pang mga lokal na opisyal ng mga makikinabang mga bayan.

Bago ang programa ay nanggaling si Senator Gordon sa pagbubukas ng Molecular Testing Lab sa Unversity of the Philippines – Los Baños kung saan magiging malaking tulong sa COVID-19 testing.

Noong natanong sa press conference tapos ang pamamahagi kung mayroong mga ibang testing facilities na itatayo pa sa Calabarzon ay inihayag ni Senator Gordon na katatapos lamang magbukas ng mga pasilidad sa Batangas, Laguna at Quezon.

Dagdag rin ng Senador na may posibilidad na magkaroon ng pasilidad sa Lalawigan ng Rizal kung tumaas pa ang mga kaso ng COVID-19.

“Kung dadami yan, at palagay ko dadami yan, baka maglagay tayo dito sa area. Pero napakamahal niyan,” ayon kay Gordon.

Nagpahayag naman ng patuloy na supporta ang PRC sa laban sa COVID-19 sa pamamagitan ng iba’t-ibang mga serbisyo nito katulad ng 6 na PRC ambulances sa Lalawigan ng Rizal.

“Ang importante ang makarecover. Ang importante hindi mamatay ang tao,” aniya. (PIA-Rizal)

   

Follow us on Instagram

[instagram-feed]