Home Top News and Stories Philippines News Headline Tagalog News: Proyektong pang-imprastraktura sa Batangas, patuloy sa gitna ng pandemya 

Tagalog News: Proyektong pang-imprastraktura sa Batangas, patuloy sa gitna ng pandemya 

0
   

Tagalog News: Proyektong pang-imprastraktura sa Batangas, patuloy sa gitna ng pandemya 

LUNGSOD NG BATANGAS, Hunyo 29 (PIA)-Patuloy ang mga proyektong pang-imprastraktura ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa kabila ng nararanasang pandemya dulot ng COVID-19.

Ayon kay Engr. Gilbert Gatdula, pinuno ng Provincial Engineering Office (PEO) tuloy-tuloy ang mga mahahalagang proyektong pang-imprastraktura  sa ilalim ng “Handog Imprastrakturang Maayos” program.

“Patuloy ang ating mga infrastructure projects sa kabila ng pandemya dahil nais ng pamahalaang panlalawigan sa pangunguna ni Governor Hermilando Mandanas na maituloy upang mas maagang mapakinabangan ng mga tao dahil mas kailangan ito lalo sa panahon ngayon”,ani Gatdula.

Batay sa ulat ng PEO, kasalukuyang sumasailalim sa road repair and maintenance ang ilang mga provincial roads. May mga road reblocking din na ginagawa sa provincial roads na bahagi ng Unang Distrito ng Batangas kabilang ang Binubusan Section hanggang Brgy. Luyahan sa bayan ng Lian.

Patuloy din ang pagsasaayos ng mga panlalawigang kalsada sa ikatlo at ika-apat na distrito sa bahagi ng Brgy. Bungahan at Natunuan sa Cuenca hanggang sa Brgy. Natunuan sa bayan ng San Jose at Brgy. Palanca hanggang Brgy. Pinagtong-ulan sa naturang bayan din.

Kaugnay ng patuloy na pagpapalaganap ng mga proyekto ng lalawigan, sinisiguro ng PEO na sumusunod sa health and safety protocols ang bawat kawani ng PEO upang makaiwas sa anumang virus o sakit na maaaring makuha habang tumutupad sa kanilang tungkulin.

Maliban sa mga daan at kalsada,may mga ongoing constructions din na ginagawa sa mga district hospitals bilang paghahanda sa patuloy na pagdaragdag ng serbisyo upang tuluyang malabanan at maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.(BHABY P. DE CASTRO-PIA Batangas at ulat mula sa PIO PROVINCE)

   

Follow us on Instagram

[instagram-feed]