Home Top News and Stories Philippines News Headline Motorcycle backriding guidelines, nilinaw ni Eleazar

Motorcycle backriding guidelines, nilinaw ni Eleazar

0
   

Motorcycle backriding guidelines, nilinaw ni Eleazar

LUNGSOD CALOOCAN, Hulyo 11 (PIA) –Nilinaw ni Joint Task Force Covid-19 Shield Commander, PLt. Gen. Guillermo Eleazar ang mga patakarang ipinatutupad hinggil sa backriding o pag angkas sa motorsiklo sa ikalawang araw ng implementasyon matapos payagan ito ng Inter Agency Task Force on the Emerging Infectious Diseases (IATF EID).

Sa panayam sa Laging Handa Public Briefing ngayon Sabado, binigyang diin ni Eleazar na ang pag angkas sa mga motorsiklo ay pinapayagan lamang para sa mga mag-asawa at live-in partners na nakatira sa iisang bahay , kabilang na din ang mga miyembro ng LGBTQ na mag partner.

Sinabi din ni Eleazar na kailangan may physical barrier na tumutugma sa prototype na inapubahan ng NTF/IATF at kailangan pa din na nakasuot ng helmet at face mask.

Kailangan din diumano na may dalang mga dokumento na nagpapatunay na mag-asawa, magka live in ang backriders, tulad ID, Marriage Contract, o Barangay Certificate na nagpapatunay na nakatira sa iisang bahay.

Ayon pa kay Eleazar, may mga kaukulang parusa at multa sa mga mahuhuling lumalabag sa patakaran batay sa  RA 11332, under section 9E, kung saan nakasaad ang “Non-cooperation of the person affected by health events of public concerned”.

”Sa ibang violation naman kagaya nang hindi pagsusuot o walang helmet,nakapaloob ito sa RA 10054, at ang penalty sa unang offense ay Php1,500, Php3,000 sa pangalawang offense at sa pangatlong offense ay Php5,000,” ani Eleazar.

”Para naman sa mahuhuling hindi nakasuot ng face mask, nakabase ito sa mga probisyon ng mga ordinansa na pinaiiral ng bawat lokal na pamahalaan kung saan nahuli,” dagdag pa ni Eleazar.

 Ayon pa sa JTF SHIELD commander, ang mga guidelines na ipinatutupad ay pinag aralang mabuti ng IATF bilang paghahanda na din sa unti-unti nating pagluluwag ng quarantine protocols.

”Tuloy-tuloy din po ang ginagawang pag-aaral ngTechnical Working Group ng ating IATF para po ma-improve pa ang sistema na ito para sa kapakanan ng ating mga kababayan.Welcome din po ang mga suggestions at mga proposals ng mga indibidwal at mga sektor para sa pag-aaral,” pagtatapos nui Eleazar. (PIA-NCR)