Home Top News and Stories Philippines News Headline Tagalog News: Kaligtasan laban sa COVID-19 sa Puerto Princesa, tiniyak

Tagalog News: Kaligtasan laban sa COVID-19 sa Puerto Princesa, tiniyak

0
   

Tagalog News: Kaligtasan laban sa COVID-19 sa Puerto Princesa, tiniyak

Si Puerto Princesa City Vice Mayor Maria Nancy M. Socrates ang naging panauhing pandangal sa programa ni Presidential Communications Operation Office (PCOO) Secretary Martin Andanar na Laging Handa Network Briefing kaninang umaga. (Screen shot from Laging Handa Network Briefing)

PUERTO PRINCESA, Palawan, Hulyo 14 (PIA) — Sa nakatakdang pagpapatupad ng business response and recovery plan ng lungsod upang makabangon ang lahat partikular na ang mga negosyo dahil sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ay tiniyak ng Pamahalaang Panglungsod ng Puerto Princesa ang kaligtasan ng mga mamamayan at bisita nito sa nasabing sakit.

Ang pagtiyak na ito ay inilahad ni Vice Mayor Maria Nancy M. Socrates sa programa ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar na Laging Handa Network Briefing kaninang umaga kung saan siya ang panauhing pandangal.

Ayon kay Vice Mayor Socrates, tinatapos nila ngayon ang ‘business response at recovery plan’, kung saan nakapaloob ang mga protocols at guidelines para makapagpatupad ng regulasyon sa pagpasok ng mga bisita sa Puerto Princesa, na siyang magbibigay ng kasigurohan sa kaligtasan at kalusugan ng mga ito, gayundin sa mga mamamayan ng lungsod.

Ipinaliwanag din ni Socrates na lahat ng mga dumadating sa pamamagitan ng airports at seaports ay ipinatutupad sa mga ito ang health protocols tulad ng pagsasagawa ng rapid diagnostic testing (RDT), oryentasyon at pagbibigay ng impormasyon at kaalaman kaugnay ng COVID-19.

Pinaka-importante dito, ani Socrates, ay ang pagkakaroon ng lungsod ng quarantine and isolation facilities kung saan ang mga nagni-negatibo sa RDT ay dinadala sa quarantine facilities at ang nagpo-positibo naman sa RDT ay hinihiwalay sa isolation facilities.

Dagdag pa nito, na simula nang ipatupad ang community quarantine ay may mga ordinansa at resolusyon na ring naipasa ang Sangguniang Panglungsod tulad na lang ng pagpapatupad ng boarder protocols, curfew hours, at ang pagbibigay ayuda sa mga mamamayan ng lungsod upang maibsan ang kaninang paghihirap.

Pinasalamatan naman ni Vice Mayor Socrates si Pangulong Duterte at ang pamahalaang nasyunal sa mga ayudang ipinadala sa Lungsod ng Puerto Princesa.

Personal din nitong inimbitahan si PCOO Sec. Martin Andanar na bisitahin ang lungsod. (OCJ/PIA-MIMAROPA)

   

Follow us on Instagram

[instagram-feed]