Home Top News and Stories Philippines News Headline Tagalog News: Pagdating ng mga LSI, ROF maayos na pinamamahalaan- Cotabato City Mayor Sayadi

Tagalog News: Pagdating ng mga LSI, ROF maayos na pinamamahalaan- Cotabato City Mayor Sayadi

0
   

Tagalog News: Pagdating ng mga LSI, ROF maayos na pinamamahalaan- Cotabato City Mayor Sayadi

LUNGSOD NG COTABATO, Hulyo 15 (PIA)–Siniguro ng pamahalaang panlungsod na maayos na napamamahalaan ang pagdating ng mga Locally Stranded Individual (LSI) at Returning Overseas Filipino (ROF) sa siyudad.

Sinabi ni city Mayor Cynthia Guiani-Sayadi ngayong araw sa Laging Handa Network Briefing kasama si Communications Secretary Martin Andanar, na mula pa sa pinanggalingan ng mga LSI at ROF, patuloy ang ginagawang koordinasyon ng Cotabato City LGU sa Department of Tourism, Office of Civil Defense, at COVID-19 National Inter-Agency Task Force hanggang sa makauwi ang mga ito. Ito ay upang maayos na maproseso ang pag-alis at pagdating ng mga stranded na kababayan.

Binigyang-diin ng alkalde na walang LSI at ROF na agad na nakauuwi sa kani-kanilang mga tahanan.

Ani Sayadi, pagkarating ng mga LSI at ROF sa lungsod, agad silang dinidiretso sa COVID Center upang ma-swab at maisailalim sa 14-day mandatory quarantine.

Kaugnay nito, inihayag ng opisyal na nagkaroon ng tatlong linggo kung saan nakapagtala ng zero COVID-19 case ang Cotabato City.

Sa kabilang banda, nagpaabot naman ng pasasalamat ang alkalde sa suporta at kooperasyon ng mamamayan sa laban kontra COVID-19. Hiling ni Guiani na sana ay ipagpatuloy ito ng kanyang nasasakupan upang tuluyang mapuksa ang nakamamatay na sakit.

Sa pinakahuling tala, abot sa 19 ang nailistang kaso ng COVID-19 sa siyudad. Mula sa nasabing bilang, 15 sa mga ito ang gumaling na. (PIA Cotabato City)

   

Follow us on Instagram

[instagram-feed]